MariGoRound logoMariGoRound
 

Paano Mag-apply ng Trabaho sa Yokosuka US Navy Base

Paano Mag-apply ng Trabaho sa Yokosuka US Navy Base

Gusto mo bang mag-apply ng trabaho sa US Navy Base?

Requirements para sa mga foreigner sa Japan
(Ang info sa ibaba ay galing sa LMO website, ang office na nagma-manage ng labor force sa loob ng base.)

  • Proper working visa (Permanent, Long-term, Spouse or Child of Japanese National, o kahit anong visa na pwede kang mag-work full-time sa Japan). Kung hindi ka sigurado kung pwede ang visa mo, mag-check sa Japan Immigration o tumawag/pumunta mismo sa LMO office. Sa left door ang office para sa mga gustong magtrabaho sa base, sa right door naman para sa mga nagtatrabaho na sa base.

  • Copy ng passport at residence card

  • Envelope (nakasulat ang address mo)

  • ¥110 na 切手 (kitte / postage stamp), mabibili sa 7-Eleven malapit sa LMO office

  • English speaking ability (depende sa job na aapplyan mo: minsan kailangan fluent ka sa English at Japanese, yung iba English lang okay na, at yung iba kailangan business level ang English o Japanese o pareho)

  • Hindi ka dapat member ng SOFA o dependent ng SOFA member o military

  • 18 years old pataas at HINDI US citizen (bawal din ang US dual citizen)

📑 Table of Contents ▾ tap to open

PAANO MAG-APPLY

Kailangan mong pumunta personally sa LMO office para mag-fill up ng application form. Doon ka rin pipili ng mga job opening na gusto mong applyan. EXTERNAL applicant ang tawag dito. Kapag dala mo na lahat ng documents mo, pwede ka nang magpasa ng application sa mismong araw na iyon.

Kapag nakapasok ka na sa base, pwede ka nang mag-apply online (INTERNAL applicant), pero kung first time mo, kailangan mo pa ring pumunta sa office nila para mag-submit ng documents in person.

Ipapadala nila sa'yo ang result by mail, kaya kailangan ng envelope at stamp.

Para magka-idea ka kung anong jobs ang available sa Yokosuka base, i-check mo DITO.

TYPES OF CONTRACT

Permanent position / 正社員 (seishain): monthly salary, bonus twice a year, housing allowance at 20 days na paid leave

  • MLC / Master Labor Contract (office work, interpreter, building manager, etc.)

  • IHA / Indirect Hire Agreement (NEX positions, Child Development Program assistant, etc.)

Temporary position / 契約社員 (keiyaku shain): 1-year contract, hourly salary

  • HPT / Hourly Pay Temporary (NEX store, NEX food court, etc.)

Kung first time mong mag-apply sa base, suggestion ko na tanggapin mo muna kahit anong position para lang makapasok ka, kasi matagal ang hiring process dahil sa background check. Kapag nasa loob ka na, saka ka maghanap ng position na talagang gusto mo. Kapag sa loob ka na nagwo-work, pwede ka nang mag-apply online at hindi mo na kailangang pumunta personally sa LMO office.

Sa experience ko sa NEX Yokosuka noong 2020, nag-start ako as HPT. Pinapasok nila ako agad kasi holiday season noon at kailangan nila ng tao sa main store. Pero usually, 3–4 months pa after mong mag-apply bago ka makapag-start.

HIRING PROCESS

  • Magpasa ng application form at required documents.

  • Hintayin ang tawag na pasok ka for interview, at i-set ang schedule kung kailan ka available pumunta sa base. (Usually after ito ng "closing date" na nakalagay sa vacancy announcement.)

Sample Yokosuka base vacancy announcement in Japanese and English, with the closing dates highlighted

Sample ng vacancy announcement

  • After ng interview, minsan umaabot pa ng ilang linggo bago ka nila tawagan kung tanggap ka sa position o hindi.

  • Kapag tinawagan ka na HIRED ka, papupuntahin ka ulit sa office nila para magpasa ng Personal History form at Employment History form. Dito ako pinaka-nahirapan, kasi kailangan mong ilista lahat ng address mo mula pagkapanganak hanggang ngayon, pati schools, kumpleto with year at month, para sa background check bago ka nila bigyan ng ID pass.

  • Tatawagan ka rin ng LMO/HR para i-schedule ang medical examination mo. Minsan inaabot ng hanggang isang buwan bago lumabas ang result.

  • Kailangan mo ring pumunta sa Kanagawa Prefectural Police Headquarters para kumuha ng police clearance. (Paki-check sa HR o LMO kung paano ang process, kasi nakalimutan ko na kung sila ang nagbigay ng form o nasa HQ na. Bawal buksan ang envelope na ibibigay nila sa'yo.)

Lahat ng info sa itaas ay base sa experience ko noong nag-apply ako sa HPT position noong 2020 at sa current job ko na MLC position noong 2022. Minsan iba-iba ang procedure depende sa command o department. Noong nag-work ako sa NEX as cashier, mga 2–3 months lang after kong mag-submit ng application, nakapag-work na ako. Binigyan nila ako ng special gate pass para makapasok sa base.

Sa work ko ngayon, naghintay ako ng almost 4 months, kasi kailangan kumpleto lahat at kailangan 1st day of the month ang start ko, dahil monthly ang salary namin at hindi per hour.

SALARY

(Latest info DITO, as of Aug 2024)

MLC / IHA contract: Depende sa grade, type ng job at years of work ang base salary mo. May additional allowances din tulad ng dependent/family allowance, housing allowance, transportation allowance, summer at year-end bonus, etc.

HPT: Depende sa work o prefecture kung saan ka magtatrabaho. Usually nakalagay ito sa vacancy announcement. Walang bonus at allowances.

Kung may tanong kayo, mag-message lang kayo sa akin at sasagutin ko hangga't kaya ko.

Thank you, as always, for following my adventures!

Watch the videos on YouTube @marigoroundofficial and say hi on Instagram @marigoroundofficial.

EAT, SLEEP, HIKE, REPEAT =)

#MariGoRound